Sunday, August 26, 2012
The Beauty of Filipino Language is Endless: Ang Kariktan ng Wikang Pilipino ay Wagas
Because August is the month of our Filipino language, I wrote this article as my entry for this month's celebration. For those who cannot read and understand our Filipino mother tongue, there is a Google translation on this blog to help you translate this piece. Thank you for your visit.
Ayon sa kasaysayan, bago paman dumating sa aming bayan ang mga banyagang nagnasa at umagaw sa karapatan naming mga Pilipino sa aming sariling bayan, ang Wikang Pilipino ay buhay na at nananaghoy na sa aming mga puso. Sa Wikang Pilipino ay nagkaisa ang mga maginoo at mapagmahal naming mga ninuno upang isigaw ang mga karapatan nila. Mga sigaw na humantong sa madugong pag-aaklas at pakikipaglaban sa mga dayuhan.
Sa pamamagitan ng kanilang pawis, dugo at buhay, ang Wikang Pilipino ay namuhay sa bawat pintig ng kanilang mga puso, damdamin at sa bawat pagbuka ng kanilang bibig. Ang tubig sa batis at kaparangan ay nabahiran ng kanilang dugo habang sila ay nakikipagdigma sa mga mananakop. Ang panaghoy ng pagkakaisa ay nagbigay lakas sa kanila at tuluyang namugad at lalong pinaigting ang pakikibaka. Ang bunga ay napasaamin ang aming minimithing kasarinlan - na namayagpag at nabubuhay magpahanggang ngayon.
Ano nga ba ang Wikang Pilipino? Ito ba ay salita o mga katagang nag-ugat sa isang salita at ginamit ng karamihan?
Sa bawat sulok ng Pilipinas at sa bawat Pilipinong nananahan doon ay may kaniya-kaniyang salitang sinasambit. Sa Kabisayaan, Mindanaw at mapa sa Luzon, ang mga salita nila ay Wikang Pilipino. Ang Wikang Pilipino ay salita na winiwika o sinasambit ng isang Pilipino. Siya man ay Ilokano, Waray, Cebuano, Tag-alog, Pampangginya, Bulakinya, Batangginya, Itnig, Igorot, mga Pilipino sa Kabikulan at sa lahat ng mga Pilipino na naninirahan sa lahat ng isla na sakop ng Pilipinas.
Maalaala ko sa panahon ng dating presidente Ferdinand Edralin Marcos, nagkaisa ang mga Pilipino upang usigin siya sa kaniyang pagiging diktador sa loob ng dalawampung dekada. Sa Wikang Pilipino isinigaw ng aming mga kababayan na maibalik ang demokrasya sa bansa. Nagtagumpay ang pakikibaka sa pamumuno ng dating presidente Corazon Aquino at ang demokrasya sa Pilipinas ay nagkabuhay muli.
At muling tumingkad ang Wikang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga paaralan, television, radio, at mga dalubhasang manunulat ng literatura at sa mga pahayagan at iba't ibang babasahin, mapa "offline or online" kasama na rito ang libu-libong blogists, ang Wikang Pilipino ay lalong namayagpag sa bawat pagbuka ng bibig ng isang Pilipino - matanda man o bata, babae man o lalake. Ang karalitaan, at kawalan pag-asa sa pamumuhay ay isinisigaw sa madla - hiling na nawa'y makamit na ang tunay na pagbabago at ang salot ng kahirapan ay tuluyan nang masolusyunan.
Hindi maikakaila na sa Mindanaw, ang mga sigaw ng paghihirap at takot ng ating mga kapatid na Muslim at Kristyano sa Wikang Pilipino ay umalingawngaw sa iba't ibang parte ng mundo dahil sa hindi maawat na kaguluhan. Ang kanilang takot at pangamba ay pumailanglang - nagmamakaawa na sana wakasan na ang gulo at tuluyan nang magkaisa para sa ikatatahimik ng lahat. Subali't magpahanggang ngayon ang hidwaan ay namumutawi pa rin doon.
Ano nga ba ang halaga ng Wikang Pilipino sa mga Pilipino ngayon? At hanggang saan hahantong ang kariktan ng Wikang Pilipino?
Sa bawat pag-ikot ng mundo, sa bawat paghinga ng isang Pilipino ay laging buhay sa kaniya ang tamis at ganda ng ating Wika. Pipi man siya, bulag at bingi, ang kaniyang wika at salita ay Pilipino. Kahit paman si Juan De La Cruz ay naghihingalo sa gitna ng kaniyang panghihina, paghihirap - ang kaniyang hikbi, panaghoy at mga daing ay sinasambit ang matamis at walang kasing-gandang wika ang Wikang Pilipino.
Kamangmangan ba at kahiya-hiya para sa isang Pilipino ang isigaw niya sa buong mundo na siya ay isang Pilipino na may isang wika na namuhay at namahay sa kaniyang puso, isipan at damdamin daan-daang taon na ang lumipas? Hindi ba dapat na mahalin at lalong pagyamanin ito dahil ito ang wikang ating kinagisnan na walang kasing dalisay sa kaniyang ganda.
Malaking maitutulong ang mga paaralan, television, radio at mga pahayagan - kasama ang mga taong kumikinang sa likod ng entablado at mga Pelikulang Pilipino na magsama-sama sa iisang layunin ang buhayin at palawigin lalo ang Wikang Pilipino. At hindi dapat mahiya na isigaw ang ating mga hinaing, kahirapan, paghihinagpis ng ating mga kalooban, ang ating mga kakulangan sa sarili nating wika dahil lalo itong mamamayagpag sa kaniyang kariktan kasama sa bawat tagumpay ng isang Pilipino.
Welcome. Enjoy Your Stay
http://creativecommons.org/licenses/by/3.0/
This blog is safe to hang on. Both young and old, any Nationals: Male and Female – Students, Housewives, Professionals – Domestic and International audience are welcome. Also I would appreciate for your honest comments and suggestions. This blog caters articles about Education, History, Health, Article Marketing, Web Marketing, Bookmarking Sites, Social Networks, Site Reviews, Social Media, Issues, Celebrities, Music, Money, Making Money Online, Business, Business Opportunities, Search Engines Optimization, Music, Science, Self-Improvement, Blog, Blogging, Writing, Writing Tips, Travel, Online Writing, Technology and other things I always love to write under the merciless sun. If there are bloggers and other writers planning to connect with this blog, I would be happy to Welcome Everyone.
ppruel @Wikinut
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
No comments:
Post a Comment